Ang Sakit, Bes!

Ang sakit.
Ang sakit-sakit pala.
Lagi ka ng umiiwas ng tingin
Presensiya ko’y tila naging hangin.

Sa bawat distansiya ng iyong paglayo
Hindi namalayang ika’y matagal ng lumiko.
Kahit isang bakas ng kahapon
Tuluyan mo ng binura at itinapon.

Ang sakit.
Ang sakit-sakit pala talaga.
Alaala mo, alaala natin
Ay kasing ningning pa rin ng isang bituin
Ngunit iyon na lamang ay sa aking paningin
Dahil ika’y nagmadaling lahat ay limutin.

Ang sakit.
Ang sakit-sakit pala talaga.
Sobra.
Sa isang iglap ika’y lumisan
Kahit salitang paalam ay hindi mo man lang nagawang iiwan.